1.13.2011

Pagpigil sa Takipsilim

TOPIC: YOUTH/ KABATAAN
Pagpigil sa Takipsilim

"Hanap ko lamang ay ang walang humpay na kaligayahan."
Kasabay ng muling paglitaw ni haring araw sa kalangitan, patuloy na umuusbong ang kabi-kabilang suliranin na kailangan kong indahin. Masaktan man ako, magalit at managhoy, wala itong magagawa sa aking paghihirap na nararanasan at mararanasan pa. Marami man ang mga taong nais tumulong sa akin, batid ko sa aking sarili na wala silang permanenteng solusyon na maibibigay sa akin.

Ako ay kabilang sa 1/3 na populasyon ng mga kabataan sa Pilipinas. Isa ako sa mga nilalang na naghahanap ng pagunawa at gabay sa aking tatahaking buhay. Ang daan na aming tinatahak ay sadyang napakadilim, at dala na rin ng aming kapusukan, madali kaming maimpluwensyahan ng mga tao sa paligid namin. Mahina at walang sapat na proteksyon laban sa rumaragasang mga tukso sa paligid namin. Kami ay ang mga kakaibang nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw.

Takot sa kahit na sino. Takot na magkamali. Takot na masaktan. Takot na hindi matanggap.

30% sa aming bilang ay tuluyan ng napasok sa maling gawain. Ang mga kababaihan ay nagdalang tao na wala sa hustong edad, ang iba ay lulong sa bisyo at ipinagbabawal na gamot, at ang iba naman ay nasangkot na sa mga krimen. Kami ay kinukundena... hinuhusgahan. Pilit na binabago ng lipunang hindi matanggap na kami ay tao lamang na nagkakamali. Pilit kaming hinuhubog sa anyo na sila lamang ang makikinabang. Pilit kaming pinapasok sa isang maliwanag na lagusan kung saan hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa aming lahat.

Naglipana ang mga bagay na ginagawa ng mga nakakatanda upang kami ay maihatid sa tinatawag nilang tamng landas. Ang mga naligaw kong kasamahan ay inilalagay sa mga rehabilitation centers na pumapatay sa kanilang kalayaan. Ang iba ay dinadala sa Department of Social Welfare and Development kung saan sila ay tinataguyod ng matiwasay ngunit inihahanda para sa mas mga matitinding laban. Ang iba ay nililibang sa iba't ibang gawaing hindi nila lubos maisip kung tama o mali, ngunit pilit na pinagtutulakan sa kanila.A ang pinakamasaklap, an iba naman ay inilalagay sa likod ng malalamig na rehas kung saan ang pag-asa sa kanilang damdamin ay unti-unting pinapatay.

Ngunit ang solusyon ay hindi nahahanap sa ano mang mga proyekto, ito ay inyong makikita sa kaibuturan ng inyong damdamin. Ang inyong pagunawa at pagkalinga.

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
Ngunit ang mura naming pagiisip ay binulag ang aming pagtingin sa reyalidad ng buhay. Kinakailangan namin ng mga matang siyang magdadala sa amin ng liwanag. Ang mga suliranin ay pinilay kami, kinakailangan namin ng mga paa na maghahatid sa amin sa tamang daan. Kailangan namin kayo, hindi ang mga ginagawa ninyo upang kami ay mabago. Tulungan niyo kaming mapigilan ang nagbabadyang takipsilim sa aming magandang kinabukasan.

Shocked? Well me either. This would be my very first blog post that is written on th Filipino dialect. I don't know if it will sound good, but I am quite happy to the result of it. This is a feature article (Lathalain). To the campus journalists out there, I am quite sure you know what it is. Well for others who don't, its a literary piece made to entertain and inform people mostly about current issues of the society.
I have been a Feature writer ever since, but on the English medium. So this one is quite new for me :)

1 komento: