5.03.2011

Different Worlds of Facebook

Daig pa ang mundo ng pelikula na merong Narnia, Hogwarts at Oz.

Siguro, mas mainam na sa tagalog ko ipopost ito, para hindi ako magtunog nagmamalaki porke marunong akong magingles. At para na rin sa ibang mga taong (lalo na ang mga kabataan) na maaring mapadaan sa blog post na ito via Google or Yahoo search.

Warning: Bato bato sa langit, ang tamaan wag O.A. Hindi yan granada.

Ang ate ko kasi ay sumali sa isang contest sa facebook na pinangunahan ng LBC United Football League na nagiisponsor sa mga football club dito sa Pilipinas. I know right? Oo. May vulnerable side din naman ako pagdating sa sports, lalo na sa football (dear James Younghusband, wag ka naman pumasok sa isip ko ngayon).
So ako, bilang supportive na sister, naging campaign manager niya ako. Lahat na ng friends ko sa facebook, which is hindi naman talaga ganun karami dahil hindi ako nagaaprove ng strangers, pinalike ko na. Awkward oo. Sobra in fact. Pero sayang din ang one year supply ng Gatorade at ang infinite kayabangan kapag suot na namin ang jersey ni Aly Borromeo kung sakaling manalo kami.
Pero hindi sapat yung combined friends naming dalawa at ang mga friends na rin ni ate na also known as The Azkalicious. Naisipan na din namin magpacontest, magmakaawa, magkumahog at lahat na ng dangal na ipinundar sa amin ng mga magulang namin ay na wash-out para sa isang contest.

Pero eto yung best part.

Gumawa ako ng isang fake account na sobrang friendly, sobrang landi ng dating para lang makapagpalike. At havey, Effective siya.

Of course, hindi ko sinync yung profile ko sakanya para walang ebidensya kung sakali mang madetect ako nung ginamit kong picture. Bad. I know again. Pero ang taong nagigipit, sa bumbay kumakapit (yung surname nung fake account kasi tunog arabo). Hindi ko inadd yung account ko or sino man sa mga friends ko para safe, humanap lang ako ng isang sikat na page at inadd ko lahat ng nandoon.

At dahil sa kagagahang to, marami akong natutunan at nadiskubre. Na sana, di ko na lang nalaman.

Behold! The different world of Facebook!
  1. Private- andito ko at sana andito ka rin. Ito yung mga hindi nagaadd ng mga hindi nila kilala at ng mga mukang wala lang magawa sa buhay. Ginagamit talaga nila ang facebook para makaconnect sa mga taong love nila pero malayo sakanila or in my case, mga taong love ko na malapit naman pero dahil batugan, di ko magawang puntahan.
  2. Massive Likers- yung poser na ginawa ko, belong siya dito. Eto yung mga taong lahat ng bagay nilalike nila, yung bang kahit di naman talaga nila like, para lang siguro mahaba yung info page nila or talagang wala silang magawa. Yung mga page na nilike nila yun bang tipong "Bakit Kulot ang Buhok Ko?", "Hahaha Nakakatawa ka!", "Panget ka buti alam mo!", "Ay paulit ulit" at "iba pa". Oo, yung mga phrase na ginagamit natin sa araw-araw, ginagawa nilang page yun. Anong sunod nito? "Gumising lang ako para tumae"? Wag naman sana. Pero nagamit ko sila in all fairness to them.
  3. Auto Friender- duh? as far as I know pasara na ang friendster, kaya sna wag kang add ng add ng di mo kilala. Yun bang tipong makita lang nilang cute o pogi add na agad. At take note, nagsasabi pa ng Thanks for the Add kahit inapprove mo lang sila.
  4. Ego Boosters- eto. Eto talaga. Yung mga taong gumagawa ng sarili nilang fanpage kahit wala naman talaga siyang fans at kadalasan, eto ang ginagamit nila sa pagiinteract sa mga tao. Nagmamakaawa silang ilike sila ng ibang tao kahit di naman sila kilala. Ang pathetic niyo. Pero yung iba kong friends sa fb, gumagawa din ng fanpage. Pero di sila nagmamakaawa, at talaga namang likable sila at talagang di ako magtataka kung may fans talaga sila. Di ako bias, ok?
  5. CoÑo- akala ko patay na tong lahing to. Ang mga dakilang Englishera at Englisherong palaka ng bayan. Kabataan tong mga to, sure ako. Siguro dahil maraming nageenglish, akala nila cool na. Etong mga conyo na to, mukang di nga nila alam sinasabi nila eh, di naman sa nanguunderestimate pero kasi napatunayan ko. Yung isa nagtanong ako ng tagalog, English ako sinagot, eh yung dating pa niya ay tono "eew you're like speaking tagalog so gross! I'm speaking English and it's like I'm very rich" eh syempre napikon ako at inenglish ko din. Medyo lumabas si linguist side kasi nagaalab yung damdamin ko. Haha. Bigla ding tumiklop at nagtagalog ang gaga, at pino-po at opo pa ako.I know right, nageenglish din ako kapag nagsasalita, pero kasi dahil sa English writer ako, parang mas naeexpress ko yung sarili ko sa English. Halos lahat din ng blog posts ko ay nasa Ingles na lengwahe, pero kasi dahil yung sa mga foreigner kong readers (ako na mayabang) para naman di na nila kailanganin si Google Translate.
  6. Gamers- I guess eto talaga nagsimula. Yung mga friends ko, kaya nila nakilala ang facebook ay dahil sa farmville. Naalala ko pa noon di ako makarelate sakanila dahil di ako naglalaro nun. Well, kahit naman ngayon hindi pa rin. Feeling ko waste of time ang pagtatanim ng di mo naman makakain. - The Gamers is suggested by Jen. Thanks!
  7. Posers- haha. Okay. Guilty.
So ayan ang mga bagay na aking nakalap sa pagpapatrol. Pero hindi ako galit sakanila at nirerespeto ko pa rin ang pagkatao nila, in fact napakinabangan ko nga sila. Ineexpose ko lang sila sa madlang people.

Alam kaya ni Mark Zuckerberg ang tungkol sakanila?

Don't hate. Make love. Out of nothing at all. hehe.

P.S: Eto ang puno at dulo ng lahat. Palike na nito para tumahimik na ko

10 komento:

  1. Marami ngang nalalaman ang isang tao based on experience niya. By the way, I'm part of the Private world. Hindi nag-aadd ng strangers.

    But nasubukan ko nang maging Auto Friender noong mahilig pa akong mag-laro ng mga applications sa Facebook.

    TumugonBurahin
  2. Hahaha tama talaga lahat ng sinulat mo dito, Rhea! :D lalo na yung mga type ng tao na nasa Facebook LOL. Hindi ko alam kung alin ako jan hahaha :D LOL

    By the way, I loooove what you did to your blog <3

    TumugonBurahin
  3. i like this post! hahaha totoo lahat =P
    kasali ako sa auto-friender type noon, pero dinelete ko na ang mga hindi ko kakilala. haha :)

    TumugonBurahin
  4. Ang inaa=ad ko lang sa FB ko: RL people (family, classmates, possible schoolmates) I know and OL people I know (online friends, blog buddies.)

    Yung HS friend ko dati, add lang sya ng add at naweirduhan at naconfused ako sa ginagawa nya pero di ko na tinatong kung bakit. pero in fairness, di naman sya masyado naguupdate ng statuses and pics nya. Unlike me na sobrang everyday naguupdate ng status, etc... pero di di naman ako pala comment or tambay sa homepage ng fb. basta update lang ako. lol

    bat ko ba to nasabi pa?

    XD

    Hello!

    TumugonBurahin
  5. alam ni mark yan syempre. ang facebook parang buhay, maraming mga chuchu. kaya carry lang. as long as it brings happiness and... money.

    TumugonBurahin
  6. I'm one of the "Privates". haha. hindi ako mahilig mag-add ng kung sinu-sino. Gusto ko ako ung ina-add. :P (feelingera) haha.Wala bang "Gamers" dyan sa world ng FB? yung mga mahihilig maglaro ng mga apps sa FB, kung meron man, I'm part of it! :P

    TumugonBurahin
  7. asstiigg! natuwa naman ako sa mga description. hahaha. parang halo ako dun eh... :))

    TumugonBurahin
  8. HAHA. This post is really funny. Parang nagiging popularity contest na nga rin minsan ang facebook eh. Popularity contest, online shop... Grabe lang.

    TumugonBurahin
  9. Oh what you've blogged is actually true! =))

    TumugonBurahin
  10. hahaha! kakatuwa tong post na to, totoo nga ung diff. world of FB :p
    atska about football .. pambansang sport d2 sa Norway x) (or i guess buong europe..almost hehe..) grabe, daming loka sa sport na yan d2 x)
    pero saya makapanood ng live game!

    TumugonBurahin