6.19.2014

Limang Awitin Para Kay B

Halos dalawang buwan na noong nabasa ko ang Para Kay B ni Ricky Lee, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakaahon mula sa pagkalunod dito.

Siguro ganoon naman talaga. May mga bagay na hindi mo kailanman magawang bitawan. Tulad ng paborito mong kumot simula pa noong bata ka, o yung pacifier mo kahit magbebente ka na.

At meron ding mga bagay na hindi ka kailanman bibitawan.

Tulad na lang ng letse na librong ito na ipapaalala sayo ng limang beses na kahit anong sakit na maramdaman mo, iibig at iibig ka pa rin. At iibig. At iibig. At iibig.


"Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman." - Ricky Lee, Para Kay B

At siguro noong pagkabasa mo niyan, tulad ko, agad mong sinubukan tignan kung saan ka kabilang. Kung sa tingin mo ikaw iyong magiging maligaya, ipagpatuloy mo ang pangarap na iyan. Good luck sayo. Pero kung maligaya ka na talaga. Good luck pa rin. At para doon sa mga taong aminadong hindi sila pasok sa quota, hindi ka nag-iisa. Good luck sa atin.

Wala na atang mas epektibong paraan para ihayag ang Para Kay B kung hindi sa tulong ng mga kanta. Tutal naman hindi mo talagang maiiwasan na magsenti sa pagbabasa ng librong ito, hayaan mo akong tulungan kang pumili ng mga kantang lalo kang papasakitan. Hindi na kailangan ng salamat, lalo na kung ito na ang suicide song mo. Walang anuman.

1. "Isa lang ang magiging maligaya..."

Wag Na Sana 'Kong Gumising Mag-isa ng Jastafraz's Chechebureche (feat. Uela Basco)

"Yakapin mo ako, wag munang lalayo. Ayokong mawala, ating pagsasama..."


2. "Iibig sa di sila iniibig..."

Suntok Sa Buwan ng Session Road

"Hindi mo napapansin, kailangan mo akong dinggin. 'Di habang buhay ika'y aantayin..."


3. "Iibig nang di natututo..."

Ikaw Pa Rin ng Juana

"Bakit nga ba 'tong pusong nasugatan tila nais paring maramdaman tamis ng yakap mo't halik..."


4. "Iibig sa wala..."

Silid ng Up Dharma Down

"Humihinto ang mundo, para lang sa iyo..."


5. "Hindi iibig kailanman."

Tumatakbo ng Mojofly

"Tatanggapin na lang ba ang malupit na tadhana? O kaya'y tatanggapin na lang ba na ako'y sadyang hindi pinagpala?"


Eto na siguro ang pinakamalalang quota na tatalo sa lahat ng quota courses ng mga State University.

3 komento:

  1. Oh gewoon luisteren naar het geluid hachelijke onder kwam van de zwarte, dan is dat UGG Australia Sale twee witte vleugels verscheen uit het hele lichaam zwart meisje zag ik op dit moment zou de arctische UGGs sale laag van witte mist gehuld zijn, die een donkere zwarte arctische spuitbus instant hit een UGG Australia Sale donkerrode capsules ijskristallen op de grond vallen.

    UGG Australia Sale Nou ja, Nep UGGs Kopen men zou waanzin van een kraanvogel demon te zijn, opstaan ​​om je nog arrogant zien. Het UGG Australia Sale tonen van de wrede glimlach demon bloed, maar het volgende moment zijn glimlach plotseling gestold.

    UGG Australia Sale Die donkere schaduw van de bal zelf heeft geen aanval, een belangrijke rol is om biologisch bloed te Goedkope UGGs Kopen maken in de demon, drie donkere schaduw in de buurt van de bal slechts een zwart meisje is te UGG Australia Sale barsten open in een donkere zwarte bloed mist overspoelde het zwarte meisje.

    TumugonBurahin