6.28.2015

Mga Piling Tula Mula sa Fuck Yeah Filipino Poetry

Nitong nakaraang linggo, halos puro tula ang binabasa ko. Binalikan ko na ang Narcissus ni Mark Anthony Cayanan na halos isang buwan nang na sa akin pero hindi ko nagawang matapos agad dahil napapatigil at napapatulala ako sa kawalan (ng buhay ko) kada tula. Nagawa ko ring pasadahan ang ilang tula mula sa Pagluluno ni Francisco Arias Montesena na ginamit ko pa ngang pambati noong Father's Day. Binasa ko rin ang lahat ng mga tula ni Marlon Hacla sa Glossolalia, nang pangatlong beses, dahil gandang-ganda ako sa paggalaw ng mga salita sa mga akda niya.

Isa pa sa mga naging pangunahing babasahin ko noong nakaraang linggo ang Fuck Yeah Filipino Poetry... na hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang natagpuan.



Hindi naman ako ganoon ka-exksperto pagdating sa pagtula at lalong hindi ko alam ang pasikot-sikot ng mga kumbensyon nito, kung meron man hanggang ngayon. 

Pero bilang isang tipikal na mambabasa, ito ang lima sa mga nagustuhan ko mula sa Fuck Yeah Filipino Poetry:

1. Gabay sa Murang Pagbabalot ng Regalo ni Juan Ekis

"MGA HAKBANG SA PAGBABALOT:

Isilid ang regalo sa pinakatagong sulok
Ng kahon
Lakipan ng luha
Bago takpan ng paglimot.
Tiyaking walang hanging papasok,
Hindi dapat matuyo ang luha bago mo isara
Upang manatiling sariwa sa alaala
Ang regalong padala."



"1. kunin sa timba ang damdaming
matagal nang ibinabad
2. kusutin nang mabuti
pabulain
pabulain upang matiyak na
natatakpan na ng bula
ang mga salitang noon pa sana sinabi"

3. Kung 1. Galing Ka Sa Mega at 2. Uuwi sa Pasig, German V. Gervacio

"kung 2.d., 2 ang opsyon mo:
        1.f. maghuhulog ka ng barya sa lata ng pulubi
        2.f. hindi ka maghuhulog ng barya sa lata ng p
kung 1.f., 2 ang opsyon mo:
        1.g. -ng matandang naglulupasay
        2.g. -ng bulag na umaawit ng “Sa Mata Makikita”"

"1. 
a. maybe yesterday, or the month before 
b. right this minute, if only the unscheduled visit
c. it might be, would have, has been for quite some time
2.
a. in the car, when she was ten, her bathing suit wet under her shirt
b. in the unused room, bare, save for a mosquito net and a reading chair
c. in the cafeteria, provided there was enough light"

"Ang sabi mo pula ang paborito mo.
Ang sabi ko puti ang paborito ko.
Kagabi nang tayong dalawa'y nagkita,
nakapula ako at nakaputi ka."



Pero hindi naman nagpatalo ang baduy na Rhea sa pa-deep at pa-artsy na pumopoetry-poetry na Rhea. Eto ang paborito kong awit sa kasalukuyan:



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento